|
||||||||
|
||
Kabilang sa delegasyon sina Herman Tiu Laurel at Ferdinand Pasion ng GNN Television, Carmen Pedrosa at Wilson Lee Flores ng Philippine Star, Willard Cheng ng ABS-CBN News, Ellen Tordesillas ng Malaya, Maria Katrina Stuart Santiago ng Manila Times, si Serafin Ledesma Jr. ng Mindanao Journal, mga mamamahayag na sina Rod Kapunan at Adolfo Paglinawan, at ang team ng CRI Serbisyo Filipino
Sa naganap na courtesy call, sinabi ni Bai na umaasa siyang maraming natutuhan ang mga mamamahayag sa mga nagaganap sa Tsina. Hindi niya umano malilimutan ang masasayang ala-ala noong nakatalaga siya sa Metro Manila bilang deputy chief of mission sa loob ng apat na taon mula 2009 hanggang 2013. Nagbiro pa siyang walang sinumang makakalimot sa masasarap na pagkain sa Pilipinas tulad ng kanyang paboritong ulam na adobo.
Tsikahan bago ang pormal na diyalogo sa pagitan ng delegasyon at ni Bai Tian
Muling pagtatagpo ng mga magkakaibigan
Group photo makaraang makipag-usap kay Pangalawang Direktor-Heneral Bai
Samantala, sinabi naman ni Zhang Jiuhuan, vice-chairman ng China Public Diplomacy Association na hindi rin niya malilimot ang kanyang pagdalaw sa Pilipinas noong dekada nobenta. Maganda aniya ang tanawin ng paglubog ng araw sa Roxas Blvd.
Group photo kasama si Zhang Jiuhuan, vice-chairman ng China Public Diplomacy Association (ikalawa sa kanan na nakaupo sa couch)
Nauna rito, nakinig ang mga mamamahayag na Pilipino sa idinaos na press briefing ni Hong Lei, tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina noong ika-10 ng Setyembre.
Pormal na pormal ang kasuotan ng mga mamamahayag habang naghihintay sa pagsisimula ng regular na preskon ng Foreign Ministry ng Tsina
Mga kalalakihang miyembro ng delegasyong Pilipino (mula kaliwa:Ferdinand "Ferdie" Pasion, Adolfo Paglinawan, Melo Acuňa, Rod Kapunan, at Herman Laurel
The rose among the thorns (kasama ni Katrina Stuart Santiago ang iba pang mga mamamahayag na sina Melo Acuňa, Rod Kapunan, at Herman Laurel)
Si Carmen Pedrosa (sa harap) nag-iisang dilag kasama ng mga hombre na sina Wilson Lee Flores, Ferdinand "Ferdie" Pasion, Serafin Ledesma Jr at Adolfo Paglinawan (sa likod, mula kaliwa)
Naghihintay ang mga mamamahayag ng pagsisimula ng preskon sa loob ng press hall
Mga lokal at dayuhang media na nakaantabay sa pagsisimula ng preskon
Group photo pagkaraan ng preskon
Nauna pa rito....
"Organized kami, di ba?" Pumipila ang mga mamamahayag na Pilipino para sumakay ng high speed train mula Dezhou papuntang Beijing
Ulat: Melo/Ernest
Editor: Mac/Jade
Photographer: Ernest /Melo
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |