Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Ipininid dito ngayong araw ang ika-8 China-ASEAN Think Tank Strategic Dialogue Forum. Isinagawa ng mga dalubhasa at iskolar mula sa China-ASEAN Think Tank ang pagpapalitan at pagsasanggunian hinggil sa temang "One Belt One Road at Konstruksyon ng China-ASEAN Community of Common Destiny." Narating sa porum ang "Komong Palagay ng Nanning."
Ipinalalagay ng mga think tank ng iba't ibang bansa na ang konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road" ay angkop sa komong pangangailangan ng mga bansa sa baybayin, at ito ay isang landas na may kooperasyon at win-win situation, para mapasulong ang kapayapaan at kaunlaran ng iba't ibang bansa sa baybayin, at maisakatuparan ang komong kasaganaan. Mahalagang mahalaga ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa estratehikong konstruksyon ng "One Belt One Road." Mahalaga rin ang katuturan ng pagpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, at magkasamang pagtatatag ng "One Belt One Road," para sa pagtatatag ng updated version ng China ASEAN Free Trade Area (CAFTA) at mas mahigpit na China-ASEAN Community of Common Destiny.
Salin: Vera