Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, sinabi ng Sentro ng Paglilipat ng Teknolohiya ng Tsina at ASEAN na gaganapin sa ika-19 ng darating na Setyembre sa Nanning, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang China-ASEAN Technology Docking Fair.
Ayon sa salaysay, mayroong tatlong bahagi ang nasabing perya sa taong ito na kinabibilangan ng pag-aanalisa sa industrya, promosyon ng pangunahing proyekto, at "One to One" na docking negotiation. Sa panahong iyon, dadalo rito ang mga kinatawan mula sa mga bantog na bahay-kalakal, industrya, chamber of commerce, organong pansiyensiya't panteknolohiya, unibersidad, organo ng pananaliksik ng siyensiya ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Ayon sa ulat, ang nasabing perya ay gaganapin sa panahon ng Ika-12 China-ASEAN Expo (CAExpo).
Salin: Li Feng