Sa Jakarta, Indonesia—Idinaos dito noong ika-8 hanggahang ika-10 ng buwang ito ang Indonesia Exposition ng 2015 China-ASEAN Expo. Itinanghal sa naturang ekspo ang mga produktong agrikultural; muwebles na yari sa kahoy; at handicraft na may katangiang Indonesian mula sa 25 bahay-kalakal ng bansa. Mga mechanical at electrical product; craftwork ng light industry; metal mineral at chemical; pagkain; produktong medikal at pangkalusugan; tela at kasuotan; materyal na arkitektural; at iba pang produkto ang itinanghal naman ng 48 bahay-kalakal na Tsino na kalahok sa ekspo.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang Liping, Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Indonesia, na ang kasalukuyang taon ay ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Indonesia. Ang pagdaraos ng naturang ekspo ay isang may-inobasyong aksyon ng pakikisangkot ng Indonesia sa konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road at Silk Road Economic Belt. Ito aniya ay nagpapakita ng mahalagang papel ng Indonesia sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera