Lumagda kahapon ang Industrial and Commercial Bank of China (ICBC) Indonesia at Indonesian National Savings Bank (BTN) sa Memorandum of Understanding (MoU) tungkol sa kooperasyon ng proyektong pabahay ng Indonesia na tinatawag na "Million Families." Ayon sa MoU, sa loob ng darating na 3 taon, magkakaloob ang ICBC Indonesia ng 5 bilyong Yuan, RMB o 10 trilyong Indonesian Rupiah, na pautang sa BTN.
Ipinahayag ng presidente ng BTN na ang kooperasyon nila ng ICBC Indonesia ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng dakilang hangarin ng proyektong "Million Families" ng Pamahalaang Indones. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng proyektong ito, maaari nitong tulungan ang pamahalaan na lutasin ang problema ng pabahay ng mga mamamayang Indones.
Salin: Li Feng