|
||||||||
|
||
Magkakasamang hiniling ng mga pangunahing partidong oposisyon ng Hapon sa Mataas na Kapulungan na ipawalang-bisa ang pagpasa. Ipinasiya rin nilang isumite ang non-confidence motion laban sa Gabinete ni Abe para ipagpaliban ang pagboto sa Security Bills sa sesyong plenaryo ng Mataas na Kapulungan ng Hapon.
Batay sa Security Bills, lalawak ang combative parameters ng Self-Defense Forces (SDF) ng Hapon, ibig sabihin, maaari itong magsagawa ng collective self-defense at magbigay-tulong sa kaalyado kahit hindi aatakehin ang Hapon.
Nagkagulo ang mga mambabatas na Hapones ng mga partidong naghahari at oposisyon sa Mataas na Kapulungan makaraang ipasa ng Espesyal na Komite ang Security Bills. Larawang kinunan Sept. 17, 2015. (Xinhua/Ma Ping)
Nagrarali ang mga mamamayang Hapones laban sa kontrobersyal na Security Bills sa paligid ng Gusali ng Diet, parliamento ng Hapon. Larawang kinunan noong Sept. 16, 2015. (Xinhua/Liu Tian)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |