Ipinahayag kahapon sa Tokyo ni Tomiichi Murayama, dating Punong Ministro ng Hapon ang pagkabalisa sa sapilitang pagpasa sa Mababang Kapulungan ng Hapon ng batas sa seguridad. Aniya, hinihiling niya sa pamahalaan ni Punong Ministro Shinzo Abe na pangalagaan at ipatupad ang Konstitusyong Pangkapayapaan ng bansa at lutasin ang mga alitang panrehiyon sa pamamagitan ng paraang diplomatiko.
Tinututulan ni Murayama ang pagbibigay-pansin lamang ng kasalukuyang pamahalaang Hapones sa kasalukuyang kalagayang panseguridad sa mga kapitbansa at pagkalat ng umano'y "banta mula sa Tsina." Ani Murayama, dapat iwasan ang posibilidad ng muling pagkaganap ng digmaan sa pagitan ng Hapon at Tsina. Aniya, dapat nito lagumin ang karanasang pangkasaysayan at gamitin ang kalutasang diplomatiko para maiwasan ang eskalasyon ng kalagayang panrehiyon.
Noong ika-15 ng Agusto, 1995, bilang Punong Ministro ng Hapon, sa kanyang talumpati para gunitain ang ika-50 anibersaryo ng pagtapos ng WWII, ipinahayag ni Tomiichi Murayama ang paghingi ng paumanhin sa mapanalakay na digmaang inilunsad ng militarismong Hapones at pagtatahak ng bansa sa landas ng mapayapang pag-unlad sa hinaharap. Tinatawag ito ng kominidad ng daigdig na "Murayama Statement," at patuloy na ipinapatupad ito ng sumunod na mga pamahalaang Hapones.