|
||||||||
|
||
Itinataas ng mga demonstrador ang mga placard sa rali sa paligid ng gusali ng Parliamento ng Hapon. Larawang kinunan noong Aug. 30, 2015. (Xinhua/Liu Tian)
Ayon sa tagapag-organisa, idinaos din ang mga katulad na protesta sa iba't ibang lugar ng Hapon na gaya ng Osaka, Nagoya, Okinawa at Hiroshima.
Rali na ginanap sa Osaka, Hapon, noong Aug. 30, 2015. (Xinhua/Yan Lei)
Lumahok sa rali sa Tokyo ang mga lider ng partido oposisyon ng Hapon.
Sa kanyang pagdalo sa rali, sinabi ni Katsuya Okada, puno ng Democratic Party, pinakamalaking partido oposisyon ng Hapon, na labag sa Konstitusyong Pangkapayapaan ng bansa ang nasabing security bills at ikinagagalit ng mga mamamayang Hapones ang panukalang batas dahil sa pangamba sa naka-ambang krisis na dulot nito.
Sinabi naman ni Kazuo Shii, puno ng Communist Party, na umiwas na direktang sumagot sa mga tanong hinggil sa bills ang administrasyon ni Abe sa parliament deliberations. Magsisikap aniya ang kanyang partido para hindi pagtitibayin ang bills ng Mataas na Kapulungan sa darating na Setyembre. Ayon sa mga panukalang batas na ito, ang Self-Defense Forces (SDF) ay maaaring makisangkot sa armadong alitan sa ibayong dagat, at maaari rin itong magbigay-tulong sa pagtatanggol ng ibang bansa kahit hindi aatakehin ang Hapon.
Nanawagan naman si Ichiro Ozawa, kilalang politician at co-head ng People's Life Party para sa magkakasamang pagsisikap upang itakwil ang bills.
Hiniling naman ng mga miyembro ng Samahan ng mga Ina kontra Digmaan sa administrasyon ni Abe na pakinggan ang kanilang panawagan. Ipinadala anila nila ang halos 20,000 liham sa administrasyon ni Abe para himukin ang huli na itakwil ang security bills, pero wala pa rin silang natanggap na sagot. Ipinagdiinan ng mga ina na hindi isinilang ang mga bata para paslangin o pumaslang ng iba.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |