Ipininid kahapon sa Beijing ang ika-7 diyalogo ng mga lider ng komersyo at dating mataas na opisyal ng Tsina at Amerika.
Sa magkasanib na pahayag na ipinalabas pagkatapos ng diyalogo, nanawagan ang mga kalahok sa Tsina at Amerika na ibayo pang pabutihin ang bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at ang rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan.
Anila, dapat magsikap ang dalawang bansa, para tapusin sa taong ito ang talastasan hinggil sa bilateral na kasunduan sa pangangalaga sa pamumuhunan, at simulain sa angkop na panahon ang pag-aaral sa kasunduan ng dalawang bansa sa pamumuhunan at kalakalan.
Iminungkahi rin ng mga kalahok na katigan ng Amerika ang paglahok ng Tsina sa Trans-Pacific Partnership Agreement, katigan naman ng Tsina ang paglahok ng Amerika sa Regional Comprehensive Economic Partnership, at magkasamang pasulungin ng dalawang bansa ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko.
Salin: Liu Kai