Ipinalabas ngayong araw ng Ministri ng Komersyo at Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang ulat hinggil sa kalagayan ng direktang pamumuhunan ng bansa sa ibayong dagat noong 2014. Ipinakikita ng ulat na noong taong iyon, ang Amerika ay ikatlong destinasyon ng pamumuhunang panlabas ng Tsina.
Ayon sa estadistika sa naturang ulat, noong 2014, umabot sa record-high na halos 7.6 bilyong Dolyares ang halaga ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa Amerika, at nagkaroon ang Tsina ng mahigit 5.2 bilyong Dolyares na net capital outflow sa Amerika. Pero, hindi malaki ang proporsiyon ng pamumuhunang Tsino sa kabuuang bolyum ng pamumuhunang dayuhan sa Amerika, at wala pa sa 1% noong 2014.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhang Xiangchen, mataas na opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na malaki ang pagkokomplemento ng Tsina at Amerika sa kooperasyon ng pamumuhunan, at sa hinaharap, mananatiling mabilis ang paglaki ng pamumuhunan ng Tsina sa Amerika.
Salin: Liu Kai