Ipinalabas ngayong araw ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Position Paper hinggil sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng United Nations (UN). Tinukoy nitong dapat lubos na patingkarin ang namumunong papel ng UN at UN Security Council (UNSC) sa paglaban sa terorismo.
Mula ika-26 hanggang ika-28 ng buwang ito, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang serye ng summit hinggil sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, na kinabibilangan ng debatehang heneral ng Pangkalahatang Aseamblea ng UN, summit ng pag-unlad, at summit ng kababaihan sa buong mundo at round table meeting ng South-South Cooperation na idaraos sa ilalim ng mungkahi ng panig Tsino. Ito ang kauna-unahang paglahok ni Xi sa mga summit ng UN.
Sa nabanggit na position paper, komprehensibong isinalaysay ng panig Tsino ang kuru-kuro nito sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, at inilahad ang paninindigan at pananangan ng panig Tsino sa mga isyung gaya ng mga mahalagang aktibidad ng isang serye ng summit hinggil sa ika-70 anibersaryo ng UN, papel ng UNSC, aksyong pamayapa ng UN, kaligtasan ng kalusugang pampubliko, kabataan, edukasyon, karapatan at kapakanan ng mga may kapansanan, pagbabago ng klima, terorismo, seguridad ng internet, karapatang pantao, pagpapalakas ng episiyensiya at bisa ng mga gawain ng UN, at iba pa.
Salin: Vera