Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw sa Beijing kay Soe Win, Pangalawang Komander ng Hukbong Pandepensa ng Myanmar, sinabi ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na kinakatigan ng panig Tsino ang pagpapasulong ng Myanmar sa proseso ng kompromiso ng pulitika at nasyonalidad. Umaasa aniya siyang mapapalakas ng dalawang bansa ang pagkatig sa isa't-isa, at mapangangalagaan ang katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa, para walang humpay na mapasulong ang kanilang estratehikong partnership.
Pinasalamatan naman ni Soe Win ang ibinibigay na pagkatig at tulong ng panig Tsino sa Myanmar sa mahabang panahon. Nakahanda aniya ang Myanmar na palakasin ang pakikipagkoordina at pakikipagkooperasyon sa hukbong Tsino para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo at dalawang bansa.
Salin: Li Feng