Pagkaraang maganap ang napakagrabeng baha sa Myanmar, aktibong lumalahok ang mga organisasyong pansibilyan ng Tsina sa gawaing panaklolo sa lokalidad. Isa sa mga ito ay Blue Sky Rescue Team, at ang kanilang gawain ay hinahangaan ng mga mamamayan ng Myanmar.
Sinabi kahapon ni Zhang Yong, puno ng Blue Sky Rescue Team, na hanggang sa kasalukuyan, nasa Myanmar ang 31 miyembro ng grupong ito, at ang kanilang gawain ay sumasaklaw sa Henzada, Ingapu, at Sittwe, tatlong lugar na pinakagrabeng apektado ng baha. Ani Zhang, ipinagkaloob nila ang mga pagkain, tubig inumin, at gamot sa naturang mga lugar.
Ayon naman sa mga lokal na residente sa Ingapu, ang Blue Sky Rescue Team ay pinakamaagang dumating sa lugar na ito, at napakarami ng mga tulong na materyal na inihatid nila. Lubos nilang pinasasalamatan ang naturang rescue team ng Tsina sa kanilang tulong.
Salin: Liu Kai