Idinaos kahapon sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng China-ASEAN Expo (CAExpo). Inisyal na itinakda sa pulong na ang Ika-13 CAExpo ay gaganapin mula ika-23 hanggang ika-26 ng Setyembre ng susunod na taon, at ang Biyetnam ay magsisilbing country of honor.
Sinabi ni Wang Lei, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAExpo, na sa Ika-12 CAExpo, itinampok ang temang "Magkakasamang Pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road — Magkakasamang Paglilikha ng Magandang Blueprint ng Kooperasyong Pandagat," at binigyang-pokus ang kooperasyon ng pandaigdigang kakayahan ng produksyon, at isinulong ang pagsasagawa ng mga malaking proyektong gaya ng China-ASEAN Information Harbor (CAIH). Ang mga ito aniya ay natamo ang lubos na papuri ng mga lider ng iba't-ibang bansa at ang malawakang pagkakilala ng sirkulong komersyal ng dalawang panig.
Dagdag pa niya, upang mapasulong ang konstruksyon ng China-ASEAN Community of Common Destiny, kasalukuyang pinag-aaralan ng panig Tsino na sa Ika-13 CAExpo, idaraos ang mga may-kinalamang selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagkakaroon ng relasyong pangdiyalogo ng Tsina at ASEAN.
Salin: Li Feng