|
||||||||
|
||
Invest Philippines: Your Business, Our People; ito ang tema sa taong ito ng Philippine Promotion Conference, na idinaos sa sidelines ng Ika-12 China-ASEAN Exposition (CAExpo) sa lunsod ng Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina.
Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Ponciano C. Manalo Jr., Undersecretary ng Department of Trade and Industry (DTI) at Head of Delegation ng Pilipinas sa Ika-12 CAExpo, na ang nasabing tema ay ang basehang elemento at value proposition ng Pilipinas sa mundo upang makapagbigay ng akmang kapaligirang pang-negosyo.
Si Ponciano C. Manalo Jr., Undersecretary ng Department of Trade and Industry (DTI) at Head of Delegation ng Pilipinas sa Ika-12 CAExpo sa Philippine Promotion Conference sa lunsod ng Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina
Mga kinatawan sa sektor na industriyal at komersyal at media representative mula sa iba't ibang bansa na kalahok sa Philippine Promotion Conference
Pilipinas, Rising Tiger ng Asya
Ani Manalo, ayon sa presidente ng World Bank (WB) sa Pilipinas, ang Pilipinas ang siya na ngayong "Rising Tiger of Asia," dahil naitayo nito ang isang matatag na makro-ekonomiya, at patuloy rin ang matibay na pagbuti ng ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa niya, sa susunod na limang taon, pangungunahan ng Pilipinas ang paglago ng ekonomiya ng Asya, kasama ng Tsina at India: ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit idinaos ng Pilipinas sa Ika-12 CAExpo ang Philippine Promotion Conference.
Mga elementong nagpapalago ng ekonomiya
Sinabi pa ni Manalo, na ang matatag na paglaki ng ekonomiya ng Pilipinas ay nagmumula sa "capital formation:" ito ang patuloy na paglalagak ng kapital sa Pilipinas ng mga dayuhan at lokal na negosyo.
Aniya pa, bukod sa nabanggit, mahalaga ring elemento sa paglaki ng ekonomiya ng Pilipinas ang padala mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), kita mula sa mga Business Process Outsourcing (BPO), Knowledge Process Outsourcing (KPO), at ang muling paglakas ng pangangailangan sa mga produktong Pilipino sa ibang bansa.
Sa ngayon, ang Pilipinas, ani Manalo ay isang tinatangkilik na "investment destination."
Sa kabilang dako, ayon sa survey na ginawa ng DTI at Chamber of Commerce ng Amerika, ang Pilipinas ang pinipiling expansion destination ng 49% ng mga negosyong nakabase sa ASEAN na may balak magpalawak ng operasyon.
Mga hakbang na lumikha ng magandang investment climate
Ipinagmalaki rin ni Manalo na mas madaling maglagak ng negosyo sa Pilipinas dahil sa estratehikong lokasyon ng bansa, mababang buwis na ipinapataw ng pamahalaan, mababang labor cost, matatag na pamumuno ng pamahalaan, seryosong paglaban ng pamahalaan sa korupsyon, patuloy na gumagandang credit rating ng bansa, pagbuti ng imprastruktura, mataas na kakayahan ng mga Pilipino sa pagsasalita ng wikang Ingles, at higit sa lahat, malasakit ng mga Pilipino sa kanilang kompanyang pinagsisilbihan.
Bukod sa mga nabanggit, mayroon ding mga bilateral na kasunduan ang Pilipinas sa iba pang mga bansa na magpapababa ng buwis at magbibigay ng mga preperensyal na trato sa mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas.
Dahil sa mga ito, masayang ipinahayag ni Manalo na marami na ngayong Tsinong kompanya ang interesadong maglagak ng negosyo sa Pilipinas, partikular sa mga Investment Promotion Agencies (IPA), na gaya ng Zamboanga Special Economic Zone Authority, Subic Bay Metropolitan Authority, Freeport of Bataan, Clark Special Economic Zone, at iba pa.
Isyu ng South China Sea
Sa isang hiwalay na panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Manalo na hindi ito nakakaapekto sa relasyong pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina.
Patuloy aniya ang pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng dalawang panig at patuloy din ang paglaki ng pangangailangan ng Pilipinas at Tsina sa mga produkto ng isat-isa.
Ulat: Rhio/Ernest
Editor: Mac/Jade
Photographer: Ernest
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |