Sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Sa kanyang pagdalo sa Ika-12 China-ASEAN Expo (CAExpo), ipinahayag kamakailan ni Ning Jijie, Pangalawang Puno ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ang pagpapalakas ng kooperasyon ng pandaigdigang kakayahan ng produksyon ay kinakailangang kahilingan para sa kooperasyon at win-win ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag ng ilang personahe mula sa mga bansang ASEAN na sa kasalukuyan, malaki ang potensyal ng pag-unlad ng konstruksyon ng imprastruktura at industrya ng mga bansang ASEAN. Napakalaki at madalian ang pangangailangan ng mga bansang ASEAN sa pondong dayuhan, kasangkapan, at teknika, dagdag pa nila.
Ani Ning, upang mapasulong nang mainam ang naturang kooperasyong Sino-ASEAN, iminungkahi niyang ibayo pang palakasin ang pagpapalitan sa pagitan ng mga pamahalaan, ibayo pang palalimin ang pragmatikong kooperasyon, ibayo pang pabutihin ang kapaligirang pampamumuhunan, at ibayo pang isagawa ang kanilang kooperasyon sa larangang pinansyal.
Salin: Li Feng