Sa bisperas ng kauna-unahang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika, binigyang-diin kahapon ni Susan E. Rice, National Security Adviser ng Amerika, na kasalukuyang matatag at sistematikong pinalalawak ng kanyang bansa ang kalaliman at kalawakan ng pakikipagkooperasyon sa Tsina. Aniya, sa gaganaping pag-uusap nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Barack Obama, magkakaroon sila ng "matapat at komprehensibong pag-uusap."
Inisa-isa din niya ang mga pangunahing bungang pangkooperasyon ng Amerika at Tsina nitong ilang taong nakalipas na kinabibilangan ng pagpapalawak ng bilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, pagpapalitan ng mga tauhan, diyalogo ng mga pamahalaan at relasyon ng dalawang hukbo, pagpapasulong ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, walang-nuklear na Korean Peninsula, pagpapasulong ng kapayapaan sa Afghanistan, pagharap sa pagbabago ng klima, at iba pa. Ang mga kooperasyong ito ay nakakapagbigay ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, dagdag niya.
Salin: Li Feng