|
||||||||
|
||
Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang People's Daily, pinakamalaganap na pahayagan sa Tsina, na nagsasabing ang gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping sa Amerika ay mahalaga para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano sa hinaharap, at interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Ito rin anito ay magdudulot ng malaking epekto sa kalagayan ng Asya-Pasipiko at buong daigdig.
Relasyon at kooperasyon ng Tsina at Amerika, maganda at malawak
Anang artikulo, nitong 43 taong nakalipas sapul nang mapanumbalik ang opisyal na pagpapalagayan ng Tsina at Amerika, dinaig ng dalawang bansa ang mga hadlang, at nagkaroon ng malaking pag-unlad sa kanilang relasyon at kooperasyon. Halimbawa, noong 2014, umabot sa 555.1 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Amerika, lumampas sa 120 bilyong Dolyares ang halaga ng pamumuhunan ng dalawang bansa sa isa't isa, at dumalaw rin sa isa't isang bansa ang mahigit 4.3 milyong tao. Nagpalabas naman ng 10-year multi-entry tourist at business visa at 5-year multi-entry student visa ang parehong bansa. At lumampas naman sa 220 pares ang mga sister provinces at cities ng dalawang bansa. Ipinakikita ng mga ito na malawak at maganda ang kooperasyon ng Tsina at Amerika, at nakikinabang sa mga kooperasyong ito ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Relasyong Sino-Amerikano, kailangang sumulong pa
Anang artikulo, sa kasalukuyan, lumalawak at sumasagana ang relasyong Sino-Amerikano, at mabunga ang mga mekanismo ng pag-uugnayan ng dalawang bansa, na gaya ng Strategic Economic Dialogue at High-Level Consultation on People-to-People Exchanges. Noong nagdaang pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Amerika, iniharap ng dalawang panig ang target sa pagtatatag ng relasyon ng malaking bansa ng Tsina at Amerika, at noong pagdalaw ni Pangulong Barack Obama sa Tsina, iniharap naman nila ang 6 na priyoridad sa pagpapasulong ng usaping ito. Unti-unting sumusulong ang relasyong Sino-Amerikano, at kailangang sumulong pa ang relasyong ito.
Estratehikong pagtitiwalaan, pinakamahalaga para sa relasyong Sino-Amerikano
Umiiral pa rin ang kahirapan sa relasyong Sino-Amerikano. Kinakaharap ng kapwa bansa ang mga hamong dulot ng mga bilateral, multilateral, at pandaigdig na isyu, at nagkakaroon ang dalawang bansa ng pagkakaiba sa mga isyu ng hidwaan sa dagat, cyber security, at iba pa. Anang artikulo, normal ang pagkakaroon ng mga problema sa relasyong Sino-Amerikano, pero kailangang maayos na lutasin ang mga ito, batay sa prinsipyong paggalang sa isa't isa at paghahanap ng komong palagay. Dagdag pa nito, ang pinakamahalagang susi sa paglutas ng mga problema sa pagitan ng Tsina at Amerika ay estratehikong pagtitiwalaan, at dapat iwasan ng dalawang bansa ang misunderstanding at misjudgement sa mga estratehikong intensyon ng isa't isa.
Pagpapaunlad ng relasyong Sino-Amerikano, malaking responsibilidad
Binigyang-diin din ng artikulo na isang matatag at umuunlad na relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa saligang interes ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, at mahalaga rin para sa kapayapaan at kaunlaran ng Asya-Pasipiko at buong daigdig. Dapat isabalikat ng kapwa Tsina at Amerika ang responsibildad sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa, para lumikha ng magandang kinabukasan ng dalawang bansa at buong daigdig.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |