Nag-usap ngayong araw sa telepono sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos.
Sinabi ni Wang na sa paanyaya ni Pangulong Barack Obama, sisimulan bukas ang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika. Kapansin-pansin at may mahalagang katuturan ang naturang biyahe sa tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano at pagbabago ng kalagayang pandaigdig. Nakahanda aniya si Pangulong Xi na sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, palakasin ang estratehikong pakikipag-ugnayan kay Pangulong Obama, palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pahigpitin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at pasulungin ang pagtamo ng bagong major-power relationship ng Tsina at Amerika ng bagong progreso.
Ipinahayag naman ni Kerry na ikinasisigla ng panig Amerikano ang pagsalubong sa gagawing dalaw-pang-estado ni Xi. May kompiyansa at kakayahan aniya ang panig Amerikano na igagarantiyang magkaroon ng konstruktibo't positbong katuturan ang naturang pagdalaw, at magpasulong ng relasyon ng dalawang bansa sa kasalukuyang mahalagang panahon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Nagpalitan din ang kapuwa panig ng kuru-kuro tungkol sa mga kinauukulang isyung panrehiyon at pandaigdig na gaya ng proseso ng walang nuklear na Korean Peninsula, pagpapatupad ng komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, pagpapalakas ng kooperasyong pamayapa ng UN, at iba pa.
Salin: Vera