Mula ngayong araw hanggang samakalawa, magtitipun-tipon ang mga lider mula sa 193 bansa sa daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Summit ng Pag-unlad ng United Nations (UN) na gaganapin sa New York, punong himpilan ng UN. Susuriin nila ang panukalang resolusyon na pinamagatang "Baguhin ang Aming Daigdig — Agenda ng Sustenableng Pag-unlad sa Taong 2030." Nakatakdang makuha ng naturang blueprint ng sustenableng pag-unlad ng daigdig sa darating na 15 taon, ang pinal na aprobasyon ng mga lider ng iba't-ibang bansa.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Wu Hongbo, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN na namamahala sa mga Suliraning Pangkabuhayan at Panlipunan, na ang Millennium Development Goals (MDG) na iniharap ng UN noong unang dako ng ika-21 siglo, ay nagamo ng napakalaking progreso; lalong lalo na, sa mga aspektong gaya ng pagpawi ng karalitaan, pagpapabuti ng kalidad ng tubig-inumin, pagpapataas ng enrollment rate ng mga bata, at pagbabawas ng mortality rate ng mga pregnant women at bata.
Ipinagpatuloy ng agenda ng sustenableng pag-unlad sa 2030 ang mga di-natapos na gawain ng MDG: lalong lalo na, ang pagpawi sa absolute poverty na nagsisilbing isang pundamental na elemento sa target ng sustenableng pag-unlad sa darating na 15 taon.
Salin: Li Feng