|
||||||||
|
||
Sa Seattle, Estados Unidos—Idinaos dito kamakailan ang seremonya ng paglagda ng kooperasyon ng Tsina at Amerika sa larangan ng abiyasyong sibil.
Pagtatayo ng pabrika ng Boeing sa Tsina
Nilagdaan ng Boeing Company at Commercial Aircraft Corporation of China Ltd. (COMAC) ang dokumentong pangkooperasyon hinggil sa pagtatatag ng Boeing 737 completion center sa Tsina. Ito ang kauna-unahang pagkakataong palalawakin ng Boeing Company ang isang bahagi ng sistema ng produksyon nito sa ibayong dagat.
Tinukoy ni Zhang Yansheng, Pangkalahatang Kalihim ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ang proyektong ito ay kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng industriya ng abiyasyon ng Tsina at Amerika sa mataas na antas. Nagsilbi aniya itong palatandaan ng ibayo pang pagpapataas ng antas ng kooperasyon sa pagitan ng Boeing Company at mga bahay-kalakal na Tsino.
Kasunduan ng pagbili ng 300 Boeing aircraft
Bukod dito, sa panahon ng biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika, nilagdaan ng China Aviation Supplies Holding Company, ICBC Financial Leasing Co. Ltd., at China Development Bank Leasing, kasama ng Boeing, ang kasunduan hinggil sa pagbili ng 300 Boeing aircraft.
Ipinakikita ng datos na sa kasalukuyan, mabilis ang pag-unlad ng pamilihan ng abiyasyong sibil ng Tsina. Noong unang hati ng kasalukuyang taon, 700% ang pangkalahatang paglaki ng tubo ng ilang kompanya ng abiyasyon na gaya ng Air China, Hainan Airlines, at China Southern Airlines. Hanggang sa taong 2050, posibleng maging pinakamalaki sa daigdig ang pamilihan ng transportasyon ng abiyasyon ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |