Ipinahayag ngayong araw ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na sa pamamagitan ng paglahok sa serye ng summits ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, ipapalabas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paninindigang Tsino sa buong daigdig, at ito ay tiyak na magdudulot ng malalim at malaking epekto.
Sinabi ni Liu Jieyi na lalahok sa serye ng summit ang mahigit 150 lider mula sa iba't ibang bansa ng daigdig, ang serye ng summit ay isang malaking isyu sa kasaysayan ng UN. Sa kauna-unahang pagkakataon, pupunta si Pangulong Xi sa punong himpilan ng UN, at ito ay umaakit ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig.
Isinalaysay rin ni Liu Jieyi na sa panahon ng paglahok sa serye ng summits, lalahok rin si Pangulong Xi Jinping sa isang serye ng mahalagang aktibidad ng UN.
Salin:Sarah