Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, dadalo sa serye ng pulong sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN

(GMT+08:00) 2015-09-25 16:06:46       CRI

Isinalaysay kamakalawa ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), ang hinggil sa gagawing pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang serye ng pulong sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN.

Ani Liu, sa panahon ng naturang serye ng pulong, lalahok at magtatalumpati si Xi sa General Debate ng Pangkalahatang Asemblea ng UN at Summit ng Pag-unlad ng UN. Dagdag pa ni Liu, pangunguluhan din ni Xi ang Global Women's Summit at round table meeting ng South-South Cooperation, at dadalo sa mga mahalagang aktibidad na gaya ng luncheon ng mga lider hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima.

General Debate ng Pangkalahatang Asemblea ng UN

Ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN. Sisimulang idaos ang General Debate ng Pangkalahatang Asemblea sa ika-28 ng buwang ito. Sa panahon ng debatehan, ilalahad ni Pangulong Xi ang kuru-kuro sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig at pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig, na may nukleong mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Ipapatalastas din ng pangulong Tsino ang mga mahahalagang hakbangin ng Tsina sa mga aspektong gaya ng pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig, pagpapasulong ng komong kaunlaran, pagkatig sa UN, multilateralismo at iba pa. Ihaharap din niya ang plano tungkol sa maayos na paghawak sa mga komong hamong kinakaharap ng komunidad ng daigdig, upang mapatingkad ang papel ng Tsina sa pagsasakatuparan ng kapayapaan, kaunlaran, at kasaganaan ng buong sangkatauhan.

Summit ng Pag-unlad ng UN

Mula ika-25 hanggang ika-27 ng buwang ito, idaraos ang Summit ng Pag-unlad ng UN, at pormal na pagtitibayin ang agenda ng pag-unlad pagkaraan ng taong 2015. Bibigkas si Xi Jinping ng mahalagang talumpati sa sesyong plenaryo ng summit na ito bukas ng umaga, para komprehensibong ilahad ang palagay ng Tsina sa mga pandaigdigang isyung pangkaunlaran, at idispley ang matibay na determinasyon ng Tsina sa pagpapatupad ng nasabing agenda.

Round table meeting ng South-South Cooperation

Mangungulo at magtatalumpati sa pulong na ito si Pangulong Xi. Lalagumin niya ang mga karanasan at simulain ng South-South Cooperation, ihaharap ang mungkahi sa pagpapalawak at pagpapalalim ng South-South Cooperation sa bagong panahon, at ipapatalastas ang mga mahalagang hakbangin ng Tsina sa pagkatig sa pandaigdigang kooperasyong pangkaunlaran at pagpapasulong ng naturang kooperasyon.

Luncheon ng mga lider hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima

Lalahok si Xi Jinping sa luncheon ng mga lider hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima na itataguyod ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-Moon ng UN. Malalimang tatalakayin ni Xi, kasama ng mga lider ng iba't ibang bansa ang hinggil sa pagharap sa pagbabago ng klima at pagsasakatuparan ng landas ng sustenableng pag-unlad.

Global Women's Summit

Ang Global Women's Summit ay magkasamang itataguyod ng Tsina at UN Women sa ika-27 ng buwang ito. Ito ang kauna-unahang summit sa UN sa larangang panlipunan na itatangkilik ng Tsina. Pasusulungin ng naturang summit, pangunahing na, ang paggawa ng pangako ng mga lider ng iba't ibang bansa hinggil sa pagpapasulong ng pagkakapantay ng kasarian at women's empowerment.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>