Binuksan kahapon sa New York ang Sustainable Development Summit ng United Nations (UN) para tanggapin ang mahalagang ahenda hinggil sa sustenableng pag-unlad ng mga bansa sa daigdaig mula taong 2015 hanggang 2030.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ang mga target na itinakda sa naturang ahenda ay magkakasamang hangarin ng buong sangkatauhan. Umaasa aniya siyang isasailalim ang naturang ahenda sa mga estratehiyang pangkaunlaran ng iba't ibang bansa.
Sinabi pa niyang nakahanda ang UN na ipagkaloob ang mga tulong sa iba't ibang bansa para isakatuparan ang naturang bagong ahenda.
Ang naturang ahenda ay mayroong 17 target ng sustenableng pag-unlad at 169 na aktuwal na target na sumasaklaw ng mga larangang na gaya ng pagpawi sa kahirapan, kalusugan, edukasyon, pagkakapantay-pantay ng kasarian, kapaligiran, enerhiya at pagbabago ng klima.