Magkasamang bumisita kahapon sina Peng Liyuan at Michelle Obama, mga First Lady ng Tsina at Amerika, sa Giant Panda Habitat ng National Zoological Park ng Amerika.
Ipinahayag ni Peng Liyuan na ikinagagalak niya ang pagmamahal ng mga Amerikano sa panda at umaasa siyang patuloy na magdudulot ang mga panda ng mas maraming kaligayahan at pagkakaibigan sa mga mamamayan ng dalawang bansa, lalo na ng mga bata.
Ipinahayag ni Michelle Obama na umasa siyang pahihigpitin ang pagpapalitan ng kultura ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Bukod dito, magkasamang pinili nila ang pangalan ng bagong-silang na panda at tinawag itong Bei Bei.