Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Regalo, ibinigay ng Pangulong Tsino sa UN para ipaabot ang hangad na kapayapaan

(GMT+08:00) 2015-09-28 08:38:11       CRI

Isang regalo ang ibinigay kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Ban Ki-Moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) para ipaabot ang hangad niyang kapayapaan at pagkatig sa pagsisikap ng UN.

Katuturan ng regalo

Sa presentation ceremony, sinabi ni Xi na ibinigay ng pamahalaang Tsino sa UN ang "Zun of Peace," isang tradisyonal na lalagyan ng alak na may katatanging Tsino, bilang paggunita sa Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN.

Ayon kay Xi, ang regalong ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagkatig ng Tsina sa UN, at pagpapaabot ng magandang hangarin ng mahigit 1.3 bilyong mamamayang Tsino. Ayon pa kay Xi, ang "Zun of Peace" ay hindi lamang nagpakita ng matagal nang sibilisasyon ng Tsina, kundi ng pag-unlad ng kulturang Tsino, batay sa pag-aaral sa pakikipagpalitan ng kaalaman sa iba pang sibilisasyon. Ipinakikita rin nito ang pagsisikap ng mga Tsino para sa kapayapaan, pagpapaunlad, kooperasyon, at win-win situwasyon, na siya ring diwa ng UN, dagdag ni Xi. Aniya pa, nakahanda ang Tsina, kasama ng lahat ng bansa sa daigdig, na magsikap para matupad ang pangarap ng UN.

Reaksyon ni Ban

Ipinahayag naman ni Ban ang pasasalamat sa pamahalaang Tsino sa regalong ito, at gawain ng Tsina sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig. Aniya pa, nakahanda ang UN, kasama ng Tsina, na tupdin ang Millennium Development Goals, bawasan ang kahirapan, at harapin ang mga isyu gaya ng pagbabago ng klima.

Kasaysayan ng regalo

Ang lalagyang "Zun of Peace" ay ginawa batay sa ancient bronze artifacts "Zun" at may teknik ng cloisonne, isang teknik na inilahok sa listahan ng intangible heritage ng Tsina noong 2006. Ang background color nito ay "China Red," may isang dragon sa taas bilang dekorasyon para ipahayag ang hangad na kapayapaan, may ulo ng elepente at phoenix sa tagiliran para ipahayag ang kapayapaan ng daigdig at mainam na pamumuhay ng lahat ng mga mamamayan. Sa katawan ng "Zun" makikita ang mga auspicious pattern na may katangiang Tsino, at mga elementong gaya ng ancient Silk Road para ipaabot ang diwa ng kapayapaan, kaunlaran, pagpapalitan, at kooperasyon. Makikita rin ang elemento ng 7 kalapatibilang simbolo ng 70 taong pagsisikap ng UN para sa kapayapaan ng daigdig.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>