Sa pagtatagpo kahapon sa New York nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN), nanawagan si Xi sa komunidad ng daigdig na samantalahin ang pagkakataon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, para igiit ang multilateralismo, ipagtanggol ang mga layon at prinsipyo ng UN Charter, pangalagaan ang awtoridad at mga papel ng UN, at pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Dagdag niya, naninindigan ang Tsina sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig na may nukleong kooperasyon at win-win result, at pangangalaga sa kasalukuyang kaayusang pandaigdig na batay sa UN Charter. Binigyang-diin niyang patuloy na kakatigan ng Tsina ang UN, at palalalimin ang pakikipagkooperasyon sa UN.
Ipinahayag naman ni Ban na mahalaga ang Tsina para sa komunidad ng daigdig, at mga agenda ng UN. Nananangan aniya siya sa positibong papel at malaking ambag ng Tsina para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at paglutas sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Dagdag ni Ban, mahalaga para sa UN ang pagkatig ng Tsina. Inaasahan din aniya ng UN ang mas mahigpit na pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga aspekto ng development agenda, paglutas sa mga mainit na isyu, pagharap sa pagbabago ng klima, at iba pa.
Salin: Liu Kai