Sa pagtataguyod ng Tsina at United Nations (UN), idinaos kahapon sa New York ang round-table meeting hinggil sa South-South Cooperation. Sa pulong na ito, tinalakay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga lider ng mga umuunlad na bansa at organisasyong pandaigdig, ang hinggil sa pagpapasulong ng South-South Cooperation.
Sinabi ni Xi na ang Tsina ay isa sa mga umuunlad na bansa, at nakahanda ang Tsina na ibahagi sa mga iba pang umuunlad na bansa ang mga pagkakataong dulot ng pag-unlad nito.
Kaugnay ng South-South Cooperation sa bagong panahon, iminungkahi ni Xi na hanapin ng mga ummunlad na bansa ang landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng sariling bansa, koordinahan ang kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, isagawa ang epektibong kooperasyon, at pabutihin ang pandaigdig na balangkas na pangkaunlaran.
Ipinatalastas din ni Xi ang mga konkretong hakbangin ng Tsina hinggil sa pagpapasulong ng South-South Cooperation. Halimbawa aniya, sa loob ng darating na limang taon, isasagawa ng Tsina, kasama ng mga umuunlad na bansa, ang 600 proyektong pangkooperasyon na sasaklaw sa pagbabawas ng kahirapan, agrikultura, kalakalan, pagharap sa pagbabago ng klima, kalusugan, at edukasyon.
Salin: Liu Kai