|
||||||||
|
||
New York, punong himpilan ng United Nations (UN)—Sa Leaders' Summit on Peacekeeping na idinaos dito kahapon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na makikilahok ang kanyang bansa sa bagong UN peacekeeping capability readiness system, mangunguna sa pagtatatag ng permanenteng grupo ng pulis na pamayapa, at bubuuin ang 8,000 miyembrong tropang pamayapa.
Lumahok sa Summit ang mga kinatawan mula sa mahigit 70 bansa at organisasyong pandaigdig.
Si Pangulong Xi habang nagtatalumpati sa UN Leaders' Summit on Peacekeeping. Larawang kinunan noong Sept. 28, 2015. (Xinhua/Li Tao)
Ayon kay Xi, bilang pirmihang miyembro ng UN Security Council, dalawampu't limang (25) taon nang nakikilahok ang Tsina sa misyong pamayapa ng UN, at ang Tsina ay isa sa mga pangunahing bansa na nagpapadala ng tropang pamayapa at nagkakaloob ng pondo rito.
Interconnected security
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na may mahigpit na kaugnayan at hindi maihihiwalay ang seguridad ng iba't ibang bansa. Aniya pa, walang bansa ang makakapagtamo ng katatagan dahil sa kaligaligan ng iba.
Ambag ng Tsina sa hinaharap
Ipinatalastas din ng pangulong Tsino na bilang tugon sa kahilingan ng UN, sa hinaharap, magpapadala ang Tsina ng mas maraming inhenyero, tauhan ng transportasyon at tauhang medikal sa misyong pamayapa ng UN.
Sa susunod na limang taon, sasanayin ng Tsina ang 2000 tauhang pamayapa para sa ibang bansa, at magsasagawa ng 10 proyektong magbibigay-tulong sa pag-alis ng mina. Sa susunod na limang taon, magkakaloob din ang Tsina ng 100 milyong dolyares na tulong militar sa Unyong Aprikano. Magtatalaga din ang Tsina ng unang helicopter squad sa tropang pamayapa ng UN sa Aprika. Idinagdag pa ni Pangulong Xi na ang bahagi ng China-UN Peace and Development Fund ay ilalagak sa pagpapasulong ng operasyong pamayapa ng UN.
Ang nasabing 10-taong Fund na nagkakahalaga ng isang bilyong dolyares ay itatatag ng Tsina para suportahan ang mga gawain ng UN at mapasulong ang multilateral na kooperasyon.
Sa kasalukuyan, ang UN ay may mahigit 120,000 peace keepers na nakatalaga sa 16 na misyon sa buong mundo. Ang gastos dito ay mahigit 8 bilyong dolyares bawat taon.
Salin/editor: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |