Ayon sa Ministring Pandepensa ng Rusya, nagpadala kahapon ang bansa ng mga war planes para makapagbigay ng dagok sa ekstrimistang groupong Islamic State (IS) sa loob ng Syria at targetin ang walong balwarte nito.
Napag-alamang ang nasabing mga target ng air strike ay kinabibilangan ng arsenal, fuel storage at military base ng IS. Natiyak ang nasabing mga target pagkaraan ng pagsisiyasat na panghipapawid ng panig militar ng Rusya at impormasyong ipinagkaloob ng tropang pampamahalaan ng Syria, kaya, hindi maaapektuhan ang mga pasilidad na pansibil at ilang lugar na nasa paligid.