Paris—Isang serye ng bilateral at multilateral na pag-uusap hinggil sa kalagayan ng Ukraine at krisis sa Syria ang idinaos dito kahapon nina Pangulong François Hollande ng Pransiya, Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Petro Porochenko ng Ukraine.
Ayon sa media ng Pransya, ang kalagayan ng Uraine lamang ay ang orihinal na paksa sa nasabing mga pulong, pero, dahil ang pagsisimula kamakailan ng Pransiya at Rusya ng atakeng pamhimpapawid laban sa Islamic State (IS) sa teritoryo ng Syria ay nakatawag ng malawak na pansin, ang krisis sa Syria ay naging pokus din sa mga pulong.
Sa isang may kinalamang ulat, pinuna kahapon sa Washington D.C. ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang atakeng pamhimpapawid ng Rusya sa Syria. Ito ang unang bukas na pahayag ni Obama hinggil sa atake ng Rusya na nagsimula noong ika-30 ng nagdaang Setyembre. Ani Obama, kahit ipinahayag ng panig Ruso na IS ang target ng atake nito, ang totoong layunin ng Rusya ay protektahan ang administrasyon ni Pangulong Bashar al-Assad ng Syria.
Naninindigan ang mga bansang kanluranin na dapat bumaba sa puwesto si al-Assad, pero, tutol dito ang Rusya.