Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng United Nations Security Council(UNSC), hinihimok nito ang ibat-ibang panig na may-kinalaman sa krisis ng Syria na positibong makisangkot sa pamamagitan ng UN, para pasimulan ang inklusibong prosesong pampulitika, alinsunod sa mithiin ng mga mamamayang Syrian, sa lalong madaling panahon. Ito ay nagsisilbing tanging paraan sa palutas ng kasalukuyang krisis ng bansa.
Anito, bilang pinakagrabeng makataong krisis sa daigdig, 250,000 katao ang nasawi sa walang tigil na sagupaan sa Syria, at 12 milyon naman ang sapilitang tumakas mula sa kani-kanilang lupang tinubuan.
Noong Hunyo, 2012, ipinalabas sa Geneva ang kumunike ng mga kasaping bansa ng UNSC na kinabibilangan ng limang pirmihang kinatawan ng UN, at inaasahan nitong maitatatag sa Syria ang isang magkasamang transisyonal na pamahalaan.