|
||||||||
|
||
Binuksan kahapon sa Bayan ng Xianghe, Lalawigang Hebei, sa dakong hilaga ng Tsina ang unang Internasyonal na Pestibal ng Kultura at Sining hinggil sa Silk Road Economic Belt and the 21st-Century Maritime Silk Road o Belt and Road. Dumalo sa aktibidad na ito ang mga embasador at kanilang mga kabiyak ng maraming bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Ang mga aktibidad sa naturang pestival ay kinabibilangan ng Photo Exhibit, Folk Arts and Crafts Expo, International Film Screenings Week, Fashion Show, at Outdoors Sports.
Sa Outdoors Sports, lumahok sa relay race ang mga embahador at kanilang kabiyak ng maraming bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Sa Folk Arts and Crafts Expo, nakatanghal ang mga natatanging folk arts and crafts ng Uzbekistan, Ukraine, Kazakhstan, Iran, at iba pang bansa.
Itinatanghal sa Photo Exhibit ang magagandang larawan hinggil sa tanawin sa kabahaan ng Silk Road. Itinatanghal naman ang mga pelikula ng Iran, Turkey, Rusya, at Afghanistan sa International Film Screenings Week. Sa Fashion Show, nagpalabas ang 15 model mula mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Salin: Andrea
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |