Sinabi kahapon ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na mula Enero hanggang Hulyo ng 2015, nagsagawa ang mga bahay-kalakal na Tsino ng direktang pamumuhunan sa 48 bansa sa kahabaan ng "One Belt and One Road," at umabot sa halos 8.6 bilyong dolyares ang halaga ng pamumuhunan. Ito ay mas malaki ng 29.5% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ang pamumuhunang ito ay tumungo sa, pangunahin na, Singapore, Indonesia, Laos, Rusya, Kazakhstan, Thailand, at iba pa.
Sa aspekto ng kalakalang panlabas, noong unang 7 buwan ng kasalukuyang taon, mabilis ang paglaki ng pagluluwas ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng "One Belt and One Road."
Salin: Li Feng