Ipinahayag kahapon ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia, na may paglaki ang bilang ng mga manlalakbay na Tsino sa Indonesia noong Marso ng taong ito.
Sinabi niyang noong Marso, ang karamihan ng mga turista sa Indonesia ay galing sa Malaysia, Chinese Mainland, Hapon, Saudi Arabia, Singapore, Timog Korea, Amerika, India, Taiwan ng Tsina, at Australia. Kabilang dito, mahigit 26 libo ang bilang ng mga turistang Tsino. Ang bilang na ito ay pumangalawa, kasunod ng Malaysia.
Dagdag pa ni Yahya, patuly na pasusulungin ng kanyang ministri ang pagbisita ng mga turistang Tsino sa Indonesia.
Salin: Vera