Hinangaan kahapon ni Matshidiso Moeti, Regional Director ng World Health Organization (WHO) sa Aprika, ang pagtanggap ni Tu Youyou, mananaliksik ng Academy of Traditional Chinese Medicine ng Tsina, sa 2015 Nobel Prize for Physiology or Medicine.
Sinabi niyang ang artemisinin na natuklasan ni Tu ay nagbigay ng napakalaking ambag para iligtas ang buhay ng mga mamamayan sa daigdig, lalo na ng mga Aprikano.
Sinabi niyang ang Malaria ay pangunahing banta para sa kalusugan ng mga Aprikano, lalo na ng mga bata. Dagdag pa niya, nitong ilang taong nakalipas, iniligtas ng artemisinin ang buhay ng napakaraming Aprikano.
Ipinalalagay ng WHO na ang artemisinin ay pinakamabisang lunas sa Malaria sa kasalukuyan at mura ang naturang gamot.
Ayon sa datos ng WHO, sapul noong 2000, nakinabang sa artemisinin ang halos 240 milyong populasyon sa Aprika at halos 1.5 milyong tao ang nailigtas sa kamatayang dulot ng Malaria.