Inamin kahapon ni John F. Campbell, kataas-taasang komander ng tropa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Afghanistan, na sa aksyong militar na inilunsad noong ika-3 ng buwang ito sa Kunduz, isinagawa ang maling air-raid sa isang hospital doon kung saan nakatalaga ang isang grupo ng Doctors Without Borders (DWB).
Sinabi niya sa isang hearing ng Senado ng Amerika na ang naturang aksyong militar ay naglayong tulungan ang tropa ng Afghanistan sa lokalidad at walang anumang balak na ituon sa mga organisasyong medikal doon.
Sa nabanggit na insidente ng pag-atake, 12 tauhan ng DWB at 10 pasyente ang nasawi.