Bilang tugon sa naiulat na paglulunsad ng Hilagang Korea ng dalawang short-range missiles, ipinahayag ni Hong Lei, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panawagan para sa magkasamang pagsisikap ng Timog at Hilagang Korea upang matiyak ang katatagan at kapayapaan ng Korean Peninsula.
Sinipi kahapon ng Yonhap News Agency ang pahayag ng Joint Chief of Staff ng Timog Korea na nagsasabing pinaimbulog ng Hilagang Korea ang dalawang short-range missile kahapon ng madaling araw sa karagatan sa hilagang-silangan ng Peninsula. Anang opisyal Timog Koreano, hindi itinakda ng Hilagang Korea ang no-navigation zone bago inilunsad ang mga missile.
Salin: Jade