Bilang tugon sa pahayag ng Hilagang Korea na pumasok sa yugto ng miniaturization at diversification ang paraan ng dagok nuklear nito, ipinahayag kahapon ni Marie Harf, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, ang pagduda hinggil dito. Ipinalalagay niya na sa kasalukuyan, wala pang nasabing kakayahan ang Hilagang Korea.
Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Komisyon ng Tanggulang Bansa ng Hilagang Korea, sinabi nito na opisyal na pumasok sa yugto ng miniaturization at diversification ang paraan ng dagok nuklear nito. Nagbabala din ang pahayag sa Amerika, Hapon, at Timog Korea, na huwag isagawa ang probokasyon sa kagawian ng Hilagang Korea para sa pagpapalakas ng kakayahan ng self-defense.
Salin: Li Feng