|
||||||||
|
||
Natapos kahapon ang bakasyon ng National Day sa Tsina. Ayon sa impormasyon ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, sa panahon ng naturang 7-araw na bakasyon, masiglang masigla ang suplay at pangangailangan sa pamilihan ng turismo, at matatag sa kabuuan ang kaayusang panturista.
Sa "golden week" ng National Day holidays, nakatanggap ang terra-cotta warriors and horses ng Emperor Qin Shihuang's Mausoleum ng 426,673 manlalakbay na Tsino't dayuhan. Ito ay lumaki ng 2.69% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Napag-alaman, sa bakasyon ng National Day, mahigit 700 milyong tao ang naglakbay sa labas. Tinanggap ng Beijing ang mahigit 11 milyong turista, at umabot sa 8.3 bilyong yuan RMB (mahigit 130 milyong dolyares) ang kabuuang tourism revenue.
Sanhi ng ulan, ang Broken Bridge ng West Lake sa Hangzhou ay nagmistulang tulay ng mga payong.
Malaki rin ang pangangailangan ng paglalabay sa ibayong dagat. Mainit ang pamilihan ng paglalakbay sa mga kapitbansa na gaya ng Hapon, Timog Korea at Thailand. May malaking paglaki ang paglalakbay sa mga bansang gaya ng Estados Unidos, Rusya, Pransya, at Italya.
Sa matandang lunsod ng Fenghuang (o Phoenix sa Ingles), Lalawigang Hunan ng Tsina—Bumisita rito ang ilanpung libong turista sa panahon ng bakasyon ng National Day.
Sa Ruins of St. Paul's, Macao.
Kasabay ng pagtatapos ng bakasyon, lumitaw ang malawakang pagsisikip ng trapiko sa maraming lugar ng Tsina. Narito po ang aerial view ng malawakang pagsisikip ng trapiko sa toll-gate ng Beijing-Hong Kong-Macao Expressway na kinunan noong ika-6 ng Oktubre, 2015.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |