Tanawin ng Yulong Snow Mountain
Ang Yulong Snow Mountain ay natatagpuan sa awtonomong bayan ng lahing Naxi ng lunsod ng Lijiang ng lalawigang Yunnan ng Tsina. Ang altitude nito ay umabot sa 5,596 na metro.
Tanawin ng Yulong Snow Mountain
Ang Yulong Snow Mountain ay bantog na lugar na panturista ng Tsina, at ito rin ay natural protected area sa antas na panlalawigan ng Yunnan. Dahil laging nananatili sa bundok na ito ang maraming niyebe at ulap, mukhang isang jade dragon ang bundok, kaya tinatawag ito na Yulong (jade dragon) Snow Mountain.
Salin: Li Feng