|
||||||||
|
||
Inilunsad kahapon ng People's Bank of China, Bangko Sentral ng bansa, ang unang yugto ng Cross-border Interbank Payment System (CIPS) para mapasulong ang paggamit ng Renminbi (RMB), salaping Tsino sa buong daigdig.
Ang CIPS ay magkakaloob ng capital settlement at clearing services para sa cross-border yuan transactions ng mga institusyong pinansyal.
Kaugnay nito, sinabi ng komentaryo ng Xinhua, opisyal na ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na bilang ika-apat na pinakamadalas na gamiting salaping pambayad sa daigdig, ang internasyonalisasyon ng RMB ay makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinalalagay rin ng komentaryo na ang pagtatatag ng isang mas balanse at mas multilateral na sistemang pansalapi ng daigdig ay narating na komong palagay ng iba't ibang bansa. Idinagdag pa nitong ang internasyonalisasyon ng RMB ay makakatulong sa pagpapabuti ng pandaigdig na sistemang pansalapi, at sa prosesong ito, titingkad ang papel ng Tsina sa pagpapasulong ng pandaigdig na katatagang pinansyal at kaunlarang ekonomiko, bilang isang responsableng malaking umuunlad na bansa.
Sa kasalukuyan, 19 na bangko na kinabibilangan ng apat na pangunahing bangko ng Tsina, HSBC Bank China, Citibank China at Standard Chartered China ang pinayagang sumapi sa CIPS.
Bukod dito, 38 bangko ng Tsina at 138 institusyong pinansyal na dayuhan ang inaprubahan bilang di-direktang participants. Maaari silang magsagawa ng CIPS services sa pamamagitan ng isa o mahigit isang direct participants.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |