Ipinahayag kamakalawa ni Min Zaw Oo, opisyal ng Myanmar sa mga suliraning pangkapayapaan ang pagdaraos sa ika-15 ng buwang ito sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar ng seremonyang paglalagda sa kasunduan ng tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan at mga sandatahang lakas mula sa walong pambansang minorya. Ipinahayag niyang tatanggapin ng pamahalaan ang pagsapi ng lahat ng mga pambansang minorya sa usaping ito. Samantala, itinanggi naman niya ang bali-balita mula sa Reuters na ipinahayag di-umano niya minsan ang hinggil sa pakikialam ng Tsina sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar.
Idinagdag niyang sa mula't mula pa, nananatiling mainam ang mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Myanmar, at ipagpapatuloy ng dalawang panig ang relasyong ito sa hinaharap.