Ipinalabas kahapon ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Myanmar ang administratibong atas na idineklarang mula sa araw na ito, inalis ang 3 sandatahang lakas ng nasyonalidad mula sa listahan ng mga ilegal na organisasyon.
Ang naturang 3 sandatahang lakas ay kinabibilangan ng Kayin National Union (KNU), All Burma Students' Democratic Front (ABSDF), at Shan State Army-South (SSA-S). Naunang ipinatalastas nilang lalagdaan ang Nationwide Ceasefire Accord (NCA). Ayon pa sa nasabing ministri ng Myanmar, inalis din ang All Burma Students' Democratic Front (ABSDF), at Shan State Army-South (SSA-S) sa listahan ng mga teroristikong organisasyon.
Ipinatalastas din ng Sentrong Pangkapayapaan ng Myanmar na opisyal na lalagdaan sa Naypyidaw sa darating na Huwebes ng pamahalaan at mga sandatahang lakas ng nasyonalidad ang NCA.
Salin: Li Feng