|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mainit na pagtanggap sa pagkakalagda sa kasunduan ng tigil-putukan ng Myanmar.
Lumagda kahapon sa pambansang kasunduan ng tigil-putukan ang pamahalaang Myanmar at walong (8) armadong grupong etniko.
Ipinahayag ni Hua ang pagsuporta at pagtanggap ng Tsina sa nasabing mahalagang progreso sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina na patuloy na gumanap ng konstruktibong papel sa prosesong pangkapayapaan ng nasabing bansa.
Sa paanyaya ng pamahalaan ng Myanmar, tumayong-saksi sa seremonya ng paglagda ang espesyal na sugong Tsino sa mga suliraning Asyano, kasama ng mga kinatawan mula sa ibang bansa.
Sapul nang magsarili ang Myanmar noong 1948, lumitaw sa bansa ang ilampung armadong grupong etniko, maliit man o malaki. Makaraang manungkalan si Pangulong Thein Sein noong Marso, 2011, aktibo niyang pinapasulong ang pambansang rekonsilyasyon.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |