|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang mainit na pagtanggap sa pagkakalagda sa pambansang kasunduan ng tigil-putukan ng Myanmar.
Sinabi ni Ban na kahit mayroon pang ilang armadong grupong ekniko sa Myanmar na hindi lumagda sa nasabing kasunduan, ang naturang pagkakalagda ay nagpakita ng taos-pusong hangarin ng pamahalaan, mga grupong etniko at mga mamamayan ng Myanmar na itigil ang matagal nang armadong alitan at mapayapang makipamuhayan.
Ipinahayag din ni Ban ang kahandaan ng UN na patuloy na suportahan ang Myanmar sa prosesong pangkapayapaan, sa susunod na yugto.
Lumagda kahapon sa pambansang kasunduan ng tigil-putukan ang pamahalaang Myanmar at walong (8) armadong grupong etniko.
Sapul nang magsarili ang Myanmar noong 1948, lumitaw sa bansa ang ilampung armadong grupong etniko, maliit man o malaki. Makaraang manungkalan si Pangulong Thein Sein noong Marso, 2011, aktibo niyang pinapasulong ang pambansang rekonsilyasyon.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |