|
||||||||
|
||
Tatlong lider ang nabigyan ng pagkakataong magsalita sa pulong na kinabibilangan nina Nicos Anastasiades, Pangulo ng Cyprus, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia at Jose de Venecia Jr., Founding Chairman ng ICAPP at tanging kinatawan ng Pilipinas.
Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino, sinabi ni de Venecia na kanyang iminungkahi sa Pangulong Tsino ang pagpapalawak pa ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o Belt and Road Initiative. Idinagdag pa niyang sa pagdaan sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaya ng Pilipinas at Indonesia, makakarating ang bagong Silk Road sa Australia at New Zealand. Sa pamamagitan nito, magbubukas aniya ang bagong Silk Road Corridor na aabot hanggang South America.
Ani de Venecia, ito ang magiging revival o muling pagbubukas ng Manila-Acapulco Trade na makapagpapalawig pa ng Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para mapasulong ang komong kaunlaran ng iba't ibang bansa ng buong daigdig.
Ipinagdiinan ni de Venecia na patuloy niyang isusulong ang mungkahing ito para magiging multi-continental ang One Belt One Road Initiative at saka makakatulong ito sa kaunlaran ng buong mundo.
Ibinalita rin ni de Venecia na inaprubahan ng mga kasapi ng ICAPP ang lahat ng mga panukala para sa Beijing Initiative sa naganap na Standing Committee Meeting kagabi. Ang mga nilalaman nito ay nakatakdang ilahad sa seremonya ng pagtatapos ng Asian Political Parties' Special Conference on the Silk Road ngayong hapon.
Kinapanayam si Jose de Venecia, founding chairman ng ICAPP, ni Mac Ramos, reporter ng CRI Filipino Service. Larawang kinunan ika-16 ng Oktubre, 2015. (photo source: CPC International Department)
Ulat: Mac/Andrea
Edit: Rhio/Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |