Nagtagpo kahapon sa White House sina Pangulong Barack Obama ng Amerika at kanyang counterpart na si Park Geun-hye ng Timog Korea.
Sa news briefing pagkatapos ng pagtatagpo, inulit ni Pangulong Obama ang pangako ng Amerika sa depensa at seguridad ng Timog Korea.
Sinabi niyang patuloy na hihimukin ng dalawang bansa ang Hilagang Korea na isagawa ang obligasyong pandaigdig para isakatuparan ang walang nuklear na Korean Peninsula. Aniya pa, kinakatigan ng Amerika ang mga ginawang pagsisikap ni Park para pabutihin ang relasyon sa pagitan ng Timog at Hilagang Korea.
Sinabi naman ni Park na may nagkakaisang target ang dalawang bansa sa isyu ng Korean Peninsula. Sinabi pa niyang kasabay ng aktibong pagharap sa anumang probokasyon ng Hilagang Korea, palagiang nakahanda ang kanyang bansa na isagawa ang diyalogo sa Hilagang Korea.
Kaugnay ng relasyon ng Tsina at Timog Korea, ipinahayag ni Obama na umaasa ang kanyang bansa na itatatag ang matibay na relasyon ng naturang dalawang bansa. Dagdag pa niya, winewelkam ng Amerika ang pag-ahon ng Tsina at nakahandang isagawa, kasama ng Tsina, ang mga kooperasyon sa isyu ng Korean Peninsula.