Sa Bangkok — Ipinahayag kamakalawa ni Zhang Jiuhuan, kilalang diplomatang Tsino, na pagkaraan ng isang taong pagsasanggunian, gaganapin sa ika-12 ng Nobyembre sa lunsod Jinghong, probinsyang Yunnan, Tsina ang kauna-unahang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng 6 na bansang kinabibilangan ng Tsina, Myanmar, Laos, Thailand, Cambodia, at Biyetnam ang "Lancang — Mekong Mechanism" — bagong mekanismong pangkooperasyon ng rehiyon.
Sinabi ni Zhang na ang "Lancang — Mekong Mechanism" ay bubuuin ng Pulong ng mga Lider, Pulong ng mga Ministro, Pulong ng mga Mataas na Opisyal, at Working Meeting. Aniya, sa panahong iyon, may pag-asang maitatag ang karaniwang working system.
Dagdag pa niya, tatalakayin sa kauna-unahang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ang hinggil sa target, pangunahing larangan, at maagang proyekto ng naturang mekanismo.
Salin: Li Feng