Sa London—Idinaos dito kahapon, local time, ni Liu Xiaoming, Embahador ng Tsina sa Britanya ang preskon hinggil sa gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Britanya. Dumalo sa naturang magkasanib na preskon ang mahigit 70 correspondent mula sa British Broadcasting Corporation (BBC), Cable News Network (CNN) ng Estados Unidos, Agence France-Presse, at mga Chinese media.
Sinabi ni Liu, na ang kasalukuyang taon ay simula ng 2 dekadang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Britanya. Ayon kay Punong Ministro David Cameron ng Britanya, ang kasalukuyang taon ay "gininduang taon" sa relasyong Sino-Britaniko. Napapanahon aniya ang gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi sa Britanya sa panahong naturan.
Salin: Vera